Pumalag sa PNP, DILG at PAO… VICE, TO THE RESCUE SA SERYE NI COCO
- BULGAR

- Nov 19, 2018
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

IPINAGTANGGOL naman ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang bestie niyang si Coco Martin at ang programa nitong Ang Probinsyano na pinupuntirya ng reklamo ng Philippine National Police (PNP), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Public Attorney’s Office (PAO).
Sinabi ni Vice na hindi na siya magtataka na may ganitong isyu ang serye ni Coco Martin.
Nilinaw din nito na hindi si Coco ang puntirya ng mga nagrereklamo kundi ang teleserye nitong Ang Probinsyano dahil sa sobrang lakas ng hatak nito sa mga manonood.
Aniya, “Actually, hindi naman si Coco personally, ‘yung Ang Probinsyano, ‘yung programa nila kasi ‘yung [Ang] Probinsyano is influential at kinakapitan talaga ng mga tao.”
Kaya raw may mga tao talagang maaapektuhan at kakabahan dahil sa lakas ng teleseryeng ito.
Kasunod nito, iginiit ng Unkabogable Star na hindi naman nagkulang ang programa dahil bago magsimula ay may paalala o disclaimer ito na nagsasabing ang lahat ng tao, lugar, pangyayari at ang mismong takbo ng istorya ay pawang kathang-isip lang ng mga writers ng serye.
Aniya, “Pero ako, naniniwala ako na ‘yun ay palabas, palabas lamang at may disclaimer naman lagi na hindi ito kumakatawan o hindi ito nagri-represent sa anumang talagang ahensiya ng gobyerno.
“Ito ay palabas lamang at kathang-isip. Maaaring malapit sa katotohanan pero hindi sila talaga, hindi talaga ‘yun ang tinutukoy.”
Dagdag pa niya, “Walang tao o ahensiya [ng gobyerno] na tinutukoy.”





Comments