Pahinga rin ‘pag may time

KASUNOD ng kontrobersiyal na pag-idlip ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ASEAN Summit sa Singapore, ipinaliwanag ng Department of Health ang kahalagahan ng ‘power nap’.
Ayon kay Secretary Francisco Duque III, napakahalaga ng pag-idlip, lalo na sa mga nakatatanda.
Aniya, umiiksi ang panahon ng mga ito para sa tulog.
Partikular sa kaso ng ating pangulo, natural lamang umano ito dahil minsan ay talagang abala ito sa halos araw-araw na pagtugon sa pangangailangan ng taumbayan.
Siguro, hindi lang ito para sa pangulo o sinumang opisyal kundi sa lahat.
Kung ang isang tao ay pagod, dapat itong magpahinga.
Kailangan hayaang mag-power nap upang mapabalik ang sigla at maging epektibo sa trabaho.
Sa rami ng nangyayari mula sa mga pang-araw-araw na usapin sa pamilya, isyu sa bansa, nakapapagod din naman talaga kaya kailangan ng pahinga.
Gayunman, laging may tamang pagkakataon para rito.





Comments