Ayon sa mga eksperto... PAGSA- SHOPPING, GOOD SA HEALTH!
- BULGAR

- Nov 19, 2018
- 2 min read

KATATAPOS lang ng kinsenas, mga beshy, mayroon pa ba kayong pang-shopping? Importante raw umano ang pamimili dahil isang uri ito ng therapy na may naidudulot na maganda sa ating kalusugan. Wow!
Palaisipan sa atin kung bakit may kakaibang saya tayong nararamdaman sa tuwing tayo ay namimili ng mga bagay na gusto at kailangan natin, kaya naman ayon sa pag-aaral ng TNS Global, natuklasan nila na nasa 52 porsiyento ng mga kalahok ang na-engaged sa tinatawag na “retail therapy” o ang pamimili ng mga bagay na gusto nila.
Akala ng karamihan, ang pagsa-shopping ay paggastos lamang, pero ayon sa mga eksperto, malaki ang naitutulong nito sa pag-uugali ng tao.
Gayunman, ang therapy na ito ay nakabubutas talaga ng bulsa ninyo lalo na kung dehins n‘yo mapigilan ang pagbili nang sobra-sobra.
Samantala, ayon kay Scott Risk, isang professor mula sa University of Michigan, ang pag-aaral ay naka-focus sa emosyon ng tao kung paano ito mababago at magiging maayos.
Bukod pa rito, hindi naman masamang therapy ang pagsa-shopping, ang kailangan lang gawin ay mag-budget at kontrolin ang sarili.
Pero, kung dehins talaga kayang mag-control, piliin na lamang pumunta sa mga mall o tiangge na mas mura ang itinitinda tulad sa Divisoria at marami pang iba.
‘Ika nga ng mga eksperto, ang therapy ay wala namang pinipiling presyo, ito ay nasa kagustuhan ng taong bumibili, kung ‘yung bagay na nabili niya ay mahal o mura, pareho itong may impact sa kanyang pag-uugali.
Oh, ayan, mga beshy, may excuse na kayo kina daddy at mommy, humingi na kayo ng pang-shopping lalo na ngayong nalalapit na ang Pasko. Pero, palaging tatandaan, spend your money wisely! Copy?





Comments