‘PINAS BRONZE SA MAKASSAR INVITATIONAL MEN’S SOFTBALL

NAGBUNGA ng magandang resulta ang pagsali ng ‘Pinas na nanalo ng tanso sa Makassar Invitational Men Softball na ginawa sa Indonesia ilang buwan matapos gawin ang Asian Games. Napagwagian ng host country na pinalakas ng pitong manlalaro ang laban sa New Zealand na pumangalawa.
Kilala sa moniker Blu Boys nakipagsabayan ang mga Pinoy sa mga kalaban na gumamit pa ng imported players galing sa Japan, Australia at New Zealand at matagumpay na nasungkit ang tanso sa kabila nang wala tayong foreign players.
“All the teams except our team were reinforced by foreign players. Despite playing all Filipino, we were able to win the bronze,” sabi ni coach Romeo Bumagat sa panayam sa kanya matapos makipagkita kay Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez para ipaalam nanalo ang team na tanso.
“Kaya nag champion ang Indonesia dahil my foreign players. Hindi mananalo sa atin ang Indonesia kung walang foreign players,” wika ni Bumagat.
Giniyahan ni Bumagat, dating player, ang koponan kasama sina Ofring de la Cruz at Alex Estipular. Hindi mananalo ang Indonesia sa ‘Pinas sa softball at kung hindi gumamit na foreign players at hindi sila magkakampeon.
Pinalakas nang tatlong pitchers na sina Leo Barredo, Marlon Pagkaliwagan at Edmer del Socorro ng Blu Boys laban sa Indonesia, 1-0, sa first round elimination bago natalo sa second round.
Nakuha ng Blu Boys ang tanso matapos pumangalawa sa Japan sa Asian Softball at nakuwalipika sa World Softball na gagawin sa 2019.





Comments