Sikat na fashion designer ang kliyente… HEART, PROUD NA PROUD NA KA-LEVEL NA NG MGA SIKAT NA FILIPIN


PAHINGA man ngayon sa teleserye si Heart Evangelista ay may mga bagay-bagay pa rin siyang pinagkakaabalahan. Tuloy pa rin ang pagpapapinta sa kanya ng mga sikat na celebrities sa kanilang mamahaling Hermes bags.
Ang latest client nga ni Heart ay ang world famous fashion designer na si Caroline Herrera, na ipinagkatiwala ang kanyang Hermes bag sa wifey ni Sen. Chiz Escudero.
At kung dati ay naging cover ng notebooks ang ilang paintings na gawa ni Heart, ngayon, sa mga special na lata (tin cans) ng Rebisco Biscuits niya isasalin ang kanyang mga obrang paintings.
Limited lang ito dahil para lamang ito sa 55th anniversary ng Rebisco Biscuits. Ang bongga ng designer’s tin can dahil mga paintings ng ilang contemporary artists ang ginamit dito.
Proud na proud si Heart na matawag na Filipino artist at makabilang sa grupo ng mga ito. Umaapaw sa talento ang ating mga local artists. At dahil likas ang kanyang hilig sa pagpipinta, nag-i-enjoy ngayon si Heart sa kanyang ginagawa.
Well, for sure, early next year na mahaharap ni Heart ang paglabas sa teleserye. Waiting lang naman ang GMA-7 sa kanyang availability.





Comments