India hinagupit ng bagyo
NAGSIMULA nang manalasa ang bagyo sa eastern coast ng India noong Biyernes.
Tinatayang, mahigit 80,000 residente na ang inilikas matapos magsimula ang bagyo.
Taglay umano ng Cyclone Gaja ang hangin na may lakas na 120 kilometers per hour na inaasahang hihina bago makarating sa Arabian Sea, ayon sa India Meteorological Department.
Kasalukuyan nang binabaha ang Tamil Nadu state sa bansa at nagbabadya umano ang landslides.
Nagbagsakan ang mga puno at poste sa rehiyon na sanhi ng malawakang brownout at pagsasara ng mga paaralan.





Comments