HOROSCOPE | NOBYEMBRE 18, 2018 (Linggo)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG NOBYEMBRE 18, 2018 (Linggo): Ginagarantiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang na ikaw ay yayaman. Kaya ipanatag mo ang iyong kalooban habang masaya kang nagsisikap sa iyong buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ngayon mo na hilingin sa langit ang iyong gusto. Kahit may pagkaimposible, ibibigay pa rin ito sa iyo ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-24-39-35-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang kaya mo, ‘yun lang ang gawin mo. Huwag kang mag-alala dahil nakamasid sa iyo ang langit at ibibigay Niya ang sobra pa sa inaasahan mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-18-21-28-30-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka bibiguin ng mga butuin sa langit. Aayusin nila ang iyong kapalaran nang sa gayun ay umulan ng mga suwerte sa iyong harapan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-15-23-25-35-42.
CANCER (June 21- July 22) - Tapusin mo na ang tampo mo sa iyong karelasyon. Magugulat ka dahil langit mismo ang magreregalo sa iyo dahil sa pagpapatawad na gagawin mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-18-22-28-41-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nakatapat sa iyo ang pintuan ng grasya sa langit na ang susi para bumukas ay ang makita kang mapagkumbaba at mapagparaya. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-29-31-32-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gawin mo ang mga bagay na ikauunlad ng iyong buhay. Sa ganito ay mas magiging maganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-14-15-26-31-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung saan ka nababagay, doon ka. Kaya ka nasasaktan dahil dinaraya mo ang iyong sarili at pinipilit mo ang hindi tugma sa iyong pagkatao. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-16-17-20-21-22.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayon na hapan ng langit ang mapanghusga sa iyo. Tatanggapin nila ang parusa na nararapat sa kanila. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-18-20-28-33-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magkikislapan ang magagandang pangyayari sa iyong harapan na nagbabalitang ang mga susunod na araw na iyong mararanasan ay punumpuno ng kaligayahan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-21-26-39-40-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Walang tamis ang bunga na nakuha lang sa pagpupumilit. Maghintay ka at huwag kang maiinip dahil ang pinakaaasam mo ay mapasasakamay mo rin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-24-26-31-38-40-46.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kaunting sikap lang ang dapat mong gawin upang matanggap mo ang malalaking suwerte. Dahil dito, mas gaganda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-17-21-23-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hinahon ang kailangan mo ngayon. Ang taong mahinahon ay nakaiisip ng tama, pero ang hindi ay makatatanggap ng sangkatutak na suliranin. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-13-26-34-37-41.




Comments