Solb na solb sa mga yakap ng young actor… ANGEL, UMAMING PINAG-INIT NI TONY HABANG NASA BAGUIO
- BULGAR

- Nov 17, 2018
- 2 min read

MASAYANG-MASAYA ang mga bida ng digital movie na Glorious na sina Tony Labrusca at Angel Aquino sa umaapaw na pagsuporta ng kanilang mga celebrity friends sa ginanap na special screening last Thursday sa Santolan Town Plaza.
Star-studded ang event dahil sa pagdalo ng malalaking artista sa pangunguna nina Coco Martin and Vice Ganda, no less!
Dumating din si Yassi Pressman at marami ang kinilig sa mga larawan nila ni Coco sa social media dahil magkatabi sila sa upuan.
Bukod kina Coco at Yassi ay dumating din ang iba pang co-stars ni Angel sa FPJ’s Ang Probinsyano na sina Ryza Cenon, Mark Lapid, John Arcilla at Rowell Santiago. Spotted din ang mag-asawang sina Ice Seguerra and FDCP Chairperson Liza Diño, Jane Oineza, Vina Morales, JC Santos, among others.
Present din of course ang director ng Glorious na si Coney Macatuno na inulan nang katakut-takot na pagbati after the screening.
Sa interview before the screening ay nagpapasalamat ang dalawang bida sa pagsuporta ng mga Kapamilya stars, pati na rin sa mainit na pagtanggap ng mga netizens sa movie base sa milyun-milyong likes sa trailer.
Natanong nga ang dalawa sa reaksiyon nila na may TonGel fans na ngayon at pareho naman silang happy sa idea.
Natanong din si Angel kung ano ang masasabi niya na napakaraming naiinggit sa kanya dahil naka-love scene niya si Tony.
Natatawang sabi ng aktres, “Alam ko, My God, I know, a lot of people want to be in my shoes right now and while I was filming the movie, well, guys, eat your heart our because Tony is mine. At least for now.”
When asked kung paano siya inalagaan ni Tony, ayon sa aktor ay siya ang nagsilbing blanket kay Angel, na sinang-ayunan naman ng aktres.
“Yes, literal, may human blanket ako. Talaga. Ang lamig kasi sa Baguio (where the film was shot), he was my human blanket when we’re doing our love scenes,” ani Angel.
Tumatalakay ang Glorious sa isang May-December affair at hindi naman nagsisinungaling ang trailer sa ipinakitang steamy scenes nina Tony at Angel. Talagang umaatikabo ang kanilang love scenes at sa totoo lang, first time naming napanood si Angel na ganito ka-daring. She was so beautiful in the movie and so hot, you’d never think na 45 years old na siya.
Ang Glorious ay isang original digital movie production ng Dreamscape Digital.





Comments