Pusher todas sa buy-bust
Pabs Hernandez III
Nov 17, 2018
1 min read
COTABATO CITY—Isang drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa mga awtoridad na nagsagawa ng buy-bust operation sa Bgy. Rosary Heights, sa lungsod na ito.
Ang suspek ay nakilalang si Jonathan Macalawan, residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa buy-bust operation si Macalawan, pero bigla itong bumunot ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad.
Agad gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.





Comments