Kaunting tiis pa dahil paniguradong darating din si “the one”, besh! BABAENG PINAPAYUHANG HINTAYIN A

KATANUNGAN
Maestro, itatanong ko lang kung kailan ako magkaka-boyfriend? Ngayon ay may ka-textmate ako at masasabi kong masugid siyang nanliligaw sa akin dahil madalas din siyang pumupunta sa bahay. Nais kong malaman kung siya na ba ang magiging boyfriend ko?
At kung sakaling maging kami, siya na kaya ang mapapangasawa ko?
Sana, masabi n’yo rin sa akin kung ano ang palatandaan ng lalaking mapapangasawa at makakasama ko, habambuhay?
KASAGUTAN
1. Malaki ang posibilidad na ang ka-textmate mo na ang magiging first boyfriend mo kung siya ay lalaking bilugan ang pangangatawan, medyo kayumanggi ang kulay ng balat, mataba at ang nature ng kanyang trabaho ay may kaugnayan sa military tulad ng pulis, army o kaya ay security guard, puwede ring barangay tanod o bodyguard ng mayaman at maimpluwensiyang pamilya.
Ito ang nais sabihin ng zodiac sign mong Leo na agad namang kinumpirma ng malaman na Bundok ng Mars (arrow a.) at makapal na Line of Mars (Drawing A. at B. m-m, arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.
2.Tanda na sa malayong lugar manggagaling ang lalaking iyong mapapangasawa at tulad ng nailarawan na, siya ay galing sa angkan ng mga military at iba pang propesyong may kaugnayan sa pagsusundalo o kaya ay pagpupulis ang trabaho ng kanyang mga pinsan, kapatid, tiyuhin at mga kamag-anak.
3. Kapag ganyan ang deskripsiyon ng lalaking nanliligaw sa iyo sa pamamagitan ng text at madalas ay pumapasyal siya sa bahay ninyo, tiyak ang magaganap, hindi lang siya ang iyong magiging first boyfriend, bagkus, siya na rin ang makakasama mo sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.
MGA DAPAT GAWIN
Laarnie, kung ikaw ay babaeng maputi at maganda, malaki ang posibilidad na ang lalaking mapapangasawa mo ay nakauniporme.
Kung saan, ayon sa iyong mga datos, kung tumutugon sa mga nabanggit na paglalarawan ang trabaho ng manliligaw mo, habang ikaw ay tumutugon din sa pisikal na deskripsiyong sinabi na sa itaas, tiyak ang magaganap, kaunting panahon pa bago sumapit ang Pasko, hindi na mapipigilan pang mabuo ang romantiko at masaya ninyong relasyon na hahantong sa matimyas at wagas na pagmamahalan na mauuwi sa simple, ngunit, masayang pagpapamilya, habambuhay (Drawing A. at B. 1-M arrow c.) na nakatakdang mangyari sa taong 2020 sa buwan ng Marso o kaya ay Abril, sa edad mong 27 pataas.




Comments