Aktor, shocked! SAM, KUMANTANG BINANTAANG PAPATAYIN DAHIL SA KABIT

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

KASABAY ng papuri na natatanggap ng teleseryeng Halik, hindi rin maawat ang mga taong inis at dalang-dala sa kuwento at mga karakter na pinagbibidahan nina Sam Milby, Jericho Rosales, Yam Concepcion at Yen Santos.
Dahil sa sobrang pagka-relate ng mga viewers sa serye, umamin si Sam na nakakatanggap siya ng mga death threats dahil sa kanyang role.
Aniya, “Grabe ‘yung ano, the reaction of people. I think people just really can relate to it a lot. And yeah, I have some death threats, though.”
Sinabi niyang natutuwa siya kapag nakakabasa ng mga ganitong mensahe dahil ibig sabihin daw nito ay magaling niyang naipo-portray ang kanyang karakter bilang si Ace na nagkaroon ng affair kay Yam Concepcion na asawa naman ni Jericho Rosales.
“People are just venting out their frustrations about the show, sometimes attacking me as a person, not a character. But yeah, I’m happy that people are affected,” esplika ng aktor.
Dahil dito, ipinarating ng aktor na masaya siya sa mainit na pagtanggap ng mga viewers sa Halik at sa kanyang mga katrabaho.
Aniya, “I’m just really happy about how things are going. It’s an amazing cast, the production also. It’s intense, obviously, but happy kami sa set.”





Comments