Para sa susunod alam mo na ang gagawin mo, besh! TIPS PARA SA MGA NAKARARANAS NG SLEEP PARALYSIS
- No Problem
- Nov 16, 2018
- 1 min read

WORRIED ka ba dahil naka-experience ka na ng sleep paralysis o gusto mong maging prepared kapag nakararanas ka nito? Don’t worry, besh, dahil narito na ang ilang tips para sa inyo upang maiwasan ito:
1. ADJUST SLEEPING POSITION. Kung madalas kang nakatihaya kung matulog, besh, oras na para i-adjust mo ang iyong posisyon kung saan mula sa pagtihaya, mabuting tumagilid ka na lamang. Ito ay dahil ayon sa ilang pag-aaral, ang mga taong madalas na nakatihaya sa pagtulog ay may mas mataas na tsansa na makaranas ng sleep paralysis.
2. REDUCE EXPOSURE TO ELECTRONICS. Inirerekomenda ng mga eksperto na huwag nang gumamit ng gadget ng isa hanggang dalawang oras bago matulog. Nakadaragdag daw umano ito sa tsansa sa pagkakaroon ng sleep disruption.
3. GET SOME EXERCISE. Nakatutulong ang pag-eehersisyo upang ma-regulate ang sirkulasyon ng dugo. Paalala naman ng mga eksperto, mas mainam na mag-ehersisyo sa umaga kaysa sa gabi.
4. AVOID HEAVY MEALS. Yes, besh, kung food is life ka, iwasan mong kumain nang madami dalawang oras bago ka matulog sa gabi dahil isa rin ito sa nagiging sanhi ng sleep disruption.
5. BE CONSISTENT IN YOUR SLEEPING TIME. Magkaroon ng sleeping schedule at sundin ito. Iwasan din ang pag-idlip mula alas-3:00 ng hapon upang hindi masira ang inyong sleeping schedule.
Ayan, mga besh, you don’t need to worry tuwing gabi dahil kering-keri nang maiwasan ang sleep paralysis. Huwag rin ninyong kalilimutang magdasal para siguradong safe at peaceful ang inyong pagtulog.
Okie?




Comments