PACMAN AT BRONER, PERSONAL NA HAHARAP SA MEDIA SA NEW YORK


OPISYAL na isasagawa nina Manny Pacquiao at Adrien Broner ang pag-anunsiyo ng kanilang upcoming boxing plans sa idaraos na bi-coastal press tour sa pakikipagharap nila sa New York City press corps sa Lunes, Nob. 19, sa Gotham Hall sa Manhattan.
Sa naturang paghaharap nilang dalawa ay tiyak na magkakasukatan na ang mga ito para sa kanilang laban sa Enero, 2019.
Kasunod nito ang pagbisita nila sa media sa Los Angeles sa sumunod na araw sa Waldorf Astoria sa Beverly Hills kung saan bukas ang events sa lahat ng miyembro ng press at isasagawa rin ang pormal na press conference kasunod ng print at electronic interviews sa fighters at event executives.
Samantala, nasa right timing daw ang bakbakang Broner at Pacman, na idaraos sa Enero 20, ayon iyan kay Keith Thurman.
Nakahilera kasi si Thurman na makasagupang susunod si Broner na parehong mina-manage ni Al Haymon. (MC)





Comments