Ninakawan daw nang milyones, P1.2 M lang naman pala… RESBAK NG KAMPO NG IDINEMANDANG KASOSYO: KRIS,
- BULGAR

- Nov 16, 2018
- 2 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

DIRETSO nang pinangalanan ang diumano’y nanloko at nagnakaw kay Kris Aquino. Ito ay ang kanyang managing director at kasosyo sa Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP) na si Nicko Falcis.
Base sa court documents, pinangalanan ni Kris si Nicko at sinasabing nagnakaw ito ng P1.270 million gamit ang credit card ng KCAP. Humihingi ang kampo ni Kris ng P32.27 million para sa kabuuang danyos.
Nagkakilala raw sila noong 2015 at nagsimulang maging magkasosyo noong umalis na ang Queen of All Media sa telebisyon nu’ng June 2016.
Sa isang press conference na ginanap kahapon (November 15), nagbigay ng official statement ang pamilya ni Falcis, na kinatawan ni Atty. Jesus Nicardo Falcis III (kapatid ni Nicko) para linawin ang pahayag ng TV host na nagtatago na sa ibang bansa si Nicko.
Taliwas daw sa mga sinabi ni Kris at ng mga lawyers nito na nagtatago si Nicko, ayon kay Atty. Nicardo, binantaan ng TV host ang kanyang kapatid na kapag bumalik ng bansa, may mangyayari rito, kaya hindi ito makauwi.
“‘YOU FUC*ING ASSHOLE NICKO!.... DARE TO STEP IN THIS COUNTRY AND YOU WILL BE DEAD,’” ang banta raw sa kanyang kapatid.
Sinabi rin nito na kontrolado ni Kris ang flight records ng kanyang kapatid kaya alam ng Queen of All Media kung nasaan si Nicko, taliwas sa kine-claim nito.
Aniya, “What’s worse is, Ms. Aquino has made it known that she possesses a list of Nicko’s flight records, indicating that she can monitor when my brother comes in and out of the Philippines. She brags that she has powerful friends.”
Dagdag pa nito, “And that is the reason why my brother is not here during the preliminary investigation and will not be here on my [father’s] birthday on Sunday. A complete family is important, but my brother’s life and safety is more important.”
Sinabi rin ni Atty. Falcis III na sinira ni Kris ang reputasyon ng kanyang kapatid sa social media at sa mainstream media dahil sa pagsasabi nito na milyun-milyon ang ninakaw sa kanya gayung P1.2 million lang naman ang nakasaad sa qualified theft case na isinampa nito.





Comments