top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kailan kaya ito matutuldukan? MGA DAING NG PAMILYA NG MGA BIKTIMA NG DENGVAXIA, HINDI MATATAPOS HANG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 16, 2018
  • 3 min read

BULGAR DAING MULA SA HUKAY... HUSTISYA

PAO CHIEF PERSIDA ACOSTA / DAING MULA SA HUKAY HUSTISYA

ISANDAAN(100) na ang na­ta­pos na fo­rensic autopsies ng Public Attorney’s Office Forensic Team (PAOFT) na binu­buo ng tatlong (3) forensic medico-legal doctors; dalawang (2) patholo­gists ng Ospital ng Maynila (OM) at University of the East-Ramon Magsaysay Memorial Medical Center, Inc. (UERMM­MCI o UERM); tatlong (3) external dengue ex­perts; tatlong (3) clinicians at internists; isang (1) public vaccination expert at ma­rami pang doctors of medi­cine na patuloy ang paggabay sa PAO Special Public At­torney’s na hu­mahawak ng mga kasong kri­minal at sibil ng mga namatay pag­katapos bakunahan ng Deng­vaxia vaccine nang walang blood test, screening at in­formed consent. Hindi isinapubliko ang mga identified risk at fatal side-effect na maaaring ikamatay at ilagay sa pe­ligro ang ka­lusugan at bu­hay ng mga bata, pulis, health wor­kers at halos isang milyong mass vacci­nees.

Isa (1) o isandaan (100) man ‘yan ay parehong maha­laga kung buhay ang pinag-uusapan. Kung maaari lang ay walang ganitong estadistika na ma­iuugnay sa ating ma­mamayan sa mga kasong buhay ang nameligro at inu­tang.

Ngunit, sa aming sitwas­yon ngayon, ka­ila­ngan naming ha­rapin ng may buong pa­ninindigan ang pag­kikipaglaban para sa bilang ng mga bik­timang nabakunahan na sa amin ngayon ay ipinagkatiwala ng ka­nilang mga nauli­lang pamilya.

Nakapagsampa ng unang kasong kri­minal ang dalawam­pu’t siyam (29) na pa­milyang namatayan sa Department of Justice (DOJ). Ang la­binlimang (15) kasong sibil ng mga magulang ay naisampa naman sa Regional Trial Court ng Quezon City na kinabibilangan nina Clarissa Alcantara, Branch 80 - Judge Ma­donna C. Echiverri, Rei Jazztine Alimagno, Branch 222 - Judge Edgar D. Santos, Lenard Baldonado, Branch 95 - Judge Edgardo B. Bellosillo, Jansyn Art Bataan, Branch 101- Judge Evangeline C. Castillo-Marigomen, Aejay Bautista, Branch 84 - Judge Luisito G. Cortez, Zandro Colite, Branch 230 - Judge Maria Gilda Loja-Pangilinan, Christine Mae De Guzman, Branch 104 - Judge Catherine L. Mandadon, Mark Axl Eboña, Branch 85 - Judge Juris Dilinila-Callanta, Abbie Hedia, Branch 226 - Judge Manuel B. Sta. Cruz Jr., Alexzander Jaime, Branch 96 - Judge Primo G. Sio, Naomi Nimura, Branch 90 - Judge Maria Luisa Lesle G. Gonzales – Betic, Erico Leabres, Branch 90 - Judge Maria Luisa Lesle G. Gonzales – Betic, Anjielica Pestillos, Branch 91 - Judge Wilfredo L. Maynigo, John Paul Rafael, Branch 90 - Judge Maria Luisa Lesle G. Gonzales – Betic at Michael Villegas Tablate, Branch 87 - Judge Aurora A. Hernandez-Calledo.

Kung ang lahat ng hukom sa Quezon City ay magbibista ng mga kaso na may kaugnayan sa bakunang Dengvaxia, ang nasabing pagdinig ng hukuman ay magdudulot ng pagkal­i­ban sa ibang mga kaso sa kanilang korte, kaya humiling ang mga namatayan na magtalaga ang Korte Suprema ng Deng­vaxia designated court para mapabilis ang paglilitis nang maghari ang hustisya at katotohanan sa likod ng mass in­discriminate vaccination na isinagawa sa Regions 3, 4-A, National Capital Region (NCR) at Cebu, gayundin, sa iba’t ibang panig ng Pilipinas sa pamamagitan ng private doctors at pediatricians.

Umaasa ang mga kaanak ng namatay at maging ang mga kaluluwa ng mga namatay na hindi titigil ang gobyerno na itama ang dapat itama at bigyan ng due process ang mga inirereklamo. Umusbong ang ganitong pag-asa nang sabihin ni Secretary Salvador Panelo na: “dinirinig ng pangulo ang daing ng mga magulang at sa pamamagitan ng DOJ ay pananagutin ang sinumang dapat managot ayon sa batas.” Naibsan ng payak, ngunit, mahalaga ang pangungusap na ito para sa mga kaanak ng mga biktima. Nagkaroon sila ng pag-asa na balang-araw ay magkakaroon ng ganap na katahimikan ang kaluluwa ng mga anak nila na namatay nang walang kalaban-laban.

Sa ngayon, pilit nilang inuunawa ang mga pagpaparam­dam ng mga nasawing biktima. Ang mga daing, iyakan habang nakararamdam ng matinding sakit ng ulo at katawan, panag­hoy na humihingi ng hustisya ang mga ito ay buhay na bu­hay pa rin hindi lamang sa kanilang mga alaala kundi sa karanasan ng iba nilang mga kasama, maging sa kanilang balintataw na nakatatanaw sa mga dumadalaw. Hanggang kailan ito? Tanging Diyos lamang ang nakaaalam.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page