top of page
Pokwang.jpg

HOROSCOPE | NOBYEM­BRE 16, 2018 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 16, 2018
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG NOBYEM­BRE 16, 2018 (Biyernes): Gamitin mo ang iyong ka­kai­bang imahinasyon sa pag­­papayaman. Iwasan mong gumamit ng mga walang kuwentang bagay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mabilis kang aasenso sa pa­raang hindi ka gaanong mahihira­pan lalo na kapag tinularan mo ang mga umasenso na gumamit ng ibang tao na mas magaling kaysa sa ka­­nila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-18-20-24-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong itabi ang la­hat ng hawak mo, ang iba ay paramihin mo at makaaasa ka na darami pa ito nang higit sa inaakala mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-18-21-28-30-32.

GEMINI (May 21-June 20) – Huwag mong gawing ba­hagi ng iyong pro­yekto ang nagdadala­wang-isip na sumama sa iyo. Ma­kagugulo lang ang mga ito sa diskarte mo. Masu­werteng kulay-white. Tips sa lotto-2-10-14-21-25-39.

CANCER (June 21- July 22) - Kakaya­nin ng iba ang hindi mo kaya. May pag-asa ka pa na makuha ang gusto mo sa tulong ng mga taong alam at nauunawaan ang iyong kahinaan. Ito ang mensa­he para sa iyo. Masuwer­teng kulay-green. Tips sa lotto-5-13-15-28-31-38.

LEO (July 23-Aug. 22) - Na­mamahinga ang lahat ng may buhay sa mundo. Kaya hindi masa­ma kung mamahinga ka muna sa sobrang pag-iisip at pagpaplano sa kung ano ang susunod mong da­pat gawin. Masuwer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-22-26-34-39-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipakita mong desidido ka at ipakikita sa‘yo ng langit kung paano hu­mahanga ang nasa ita­as sa mga taong hindi basta-basta umaayaw. Muli, ipa­­kita mo na talagang desi­dido ka. Masuwerteng ku­lay-purple. Tips sa lotto-6-11-15-18-21-27.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Piliin mo ang daan ng bu­hay na hindi ka mahihirapan. Dahil bu­kod sa hindi ka na mahi­hi­rapan, matututo ka pa ng mga mahahalagang aral sa buhay. Masuwerteng ku­lay-pink. Tips sa lotto-8-11-14-23-25-33.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pabalik-balik lang ang mga pangya­yari sa mundo. Kung ma­tandain ka, hindi ka maa­apektuhan sa pagbabalik ng mga araw na ang tao ay dumaraan sa hirap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-19-22-28-31-39.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Ipami­gay mo ang hindi mo na kailangan kahit puwede mo pa itong magamit. Mas ma­gandang mapasaya mo ang iyong kapwa kaysa sa dumarami lang ang mga luma mong kagamitan. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-26-31-37-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tangga­pin mo ang pagpapakum­baba ng nagkamali sa iyo. Ikaw din naman ay nag­kakamali, kapag sinunod mo ito, muli kang bibiya­yaan ng langit. Mas ma­ra­ming biyaya ang nata­tanggap ng mga nagpa­patawad. Masuwerteng ku­lay-black. Tips sa lotto-9-15-17-23-28-32.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malayo ang iyong isip sa ginagawa mo. Madalas, ito ang da­hilan ng hindi ninyo pag­kakaunawaan ng kare­las­yon mo dahil napagbibin­tangan ka niya na ibang tao ang iniisip mo. Ma­su­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-19-20-25-33-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipilit mo ang iyong gusto da­hil mahina ang mga nagsisikontra sa iyo. Wala silang lakas para had­­langan ang iyong gaga­wing pagpupumilit. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­su­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-13-14-29-38-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page