Bubble Gang, tumagal nang 23 yrs. dahil sa kanya… MICHAEL V., APRUB SA MGA CO-STARS BILANG COMEDY


PARA sa mga bumubuo ng Bubble Gang, si Michael V. ay nararapat lang bigyan ng titulong Comedy King. Malaking factor na sa loob nang mahigit dalawang dekada (23 years), eh, naging bahagi si Bitoy ng Bubble Gang.
Siya ang nagsisilbing creative consultant ng show at siya rin ang tumatayong leader ng cast ng BG. Ang kanyang sipag at dedikasyon sa trabaho ay hinahangaan at tinutularan ng kanyang mga kasamahan sa nasabing gag show tulad nina Antonio Aquitania, Paolo Contis, Sef Cadayona, Boy2 Quizon, Moymoy Palaboy, Diego Llorica, Archie Alemania, Chariz Solomon, atbp..
Hindi rin naging maramot si Michael V. sa kanyang mga co-stars. Binibigyan niya ng chance na mag-shine ang lahat ng artistang kasama sa BG.
Ilan sa mga unang nakasama ni Bitoy sa Bubble Gang ay sina Antonio Aquitania at Diego Llorica na 23 years na rin sa show, ganu’n din si Paolo Contis.
Si Boy2 naman ay 17 years na sa BG. Ang magkapatid na James at Rodfil Macasero (Moymoy Palaboy) ay 10 years na sa show.
Si Chariz Solomon naman ay 12 years, samantalang sina Betong Sumaya, Sef Cadayona at Denise Barbacena ay 6 yrs..
Ang sexy Kapuso star na si Kim Domingo at sina Valeen Montenegro, Jak Roberto, Archie Alemania at Juancho Triviño ay nakaka-3 years na rin sa BG. Sina Lovely Abella at Mikoy Morales ay 2 years namang naging bahagi ng show.
Record breaker din si Mykah, na tulad ni Diego Llorica ay orig cast ng Bubble Gang. Naka-21 years na siya sa longest-running show.
Dapat ding bigyan ng kredito si Direk Caesar Cosme at ang yumaong si Direk Uro Dela Cruz.





Comments