Search
  • Pabs Hernandez III

NPA tepok sa engkuwentro

LANAO DEL SUR—Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga rebelde sa Bgy. Pinilayan, Tagoloan II sa lalawigang ito.

Ang napatay na NPA ay nakilala sa alyas Ka Allan, miyembro ng Guerilla Front Committee ng CPP-NPA sa lalawigan.

Nagpapatrulya umano ang mga kawal ng Philippine Army (PA) nang makasalubong ang mga rebelde at dito naganap ang engkuwentro sa magkabilang-panig na ikinawi ni “Ka Allan”.

Patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga nakatakas na rebelde.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.