Search
  • Nitz Miralles

Nabuwisit, sumabog sa nagnakaw daw ng pera niya… HIRIT NI KRIS: ISANG TAWAG KO LANG SA MEDIA, KAMI N

MAY hearing this Thursday ang ka­song isinampa ni Kris Aquino sa taong nanloko sa kanya ng mala­king pera. Sinabihan si Kris ng Manda­luyong prosecutor na dumalo kaya kahit may sakit, dadalo si Kris.

“Mandaluyong Prosecutor’s Office tomorrow afternoon, 15 November, 2018. In advance i apologize, i have the flu- but i’ll show up because JUSTICE DELAYED is JUSTICE DENIED.”

Nalaman pa ni Kris sa lawyer niyang si Atty. Sig Fortun na idini-delay ng kabi­lang kampo ang pag-usad ng kaso at hini­ngi na mag-inhibit ang entire San Juan Prosecutors Office. Baka ganu’n din daw ang gawin sa QC court sa civil case na isinampa rin ni Kris.

Nag-comment tuloy si Kris: “I had stated i didn’t want to make this a trial based on public opinion, perception, or popularity... But as i am learning ‘pag ganito kaba­lahura ang ipapakita, katangahan nang maging disente. Nakakabaliw na pina-inhibit ang buong San Juan prosecutors’ office. Why?

“Because my sons were raised with good manners and they showed respect. Hindi ata kinaya nu’ng abogado nu’ng kabila na kahit pera ng mga anak ko ang pinag­lala­banan, automatic kay Kuya Josh na makipag-shake hands bilang pag­bigay-galang, and normal kay Bimb ang yumakap-kahit sa abugado ng kalaban.

“May pictures bang lumabas na nandu’n kami? Kung ginusto ko ng FULL MEDIA COVERAGE-isang tawag lang po and kami na ang laman ng lahat ng traditional and new media, yet i chose to remain proper.

“Naikuwento na ba sa inyo na magmula September 26 maliban sa dalawang araw ng Oktubre, yung kinasuhan ko ay patuloy na nagtatago sa ibang bansa? NANAHIMIK PO, DI Ba. Umamin ba na nagpa-test ako for tumor markers and possible leukemia? HINDI- kasi ayokong kaawaan ako. Kaya the presence of autoimmune diseased lamang ang pinag-usapan. But they forced my hand, so now you will get my unedited TRUTH.

“Isn’t it an accepted belief that FLIGHT is already an admission of guilt? Or at least an indication of profound fear? You can say many things about me-BUT there must have been something so severe from August to October that occurred for him to now,” at nabanggit ng lawyer ng kabila na may threat si Kris sa kliyente niya.

Dagdag ni Kris: “Bakit ba nagalit si Kris? This is the simplest answer. Hindi ako naging salbahe. I was GENEROUS. I didn’t just share my millions, i shared the credit for my career’s resur­rection...and i shared my 100% trust. He had the same signing privileges for our company bank account. He had an equal credit limit for the KCAP credit card regardless that my company is a sole proprietorship.

“GREED made him ungrateful and i was treated like a fool. There was never even an effort to cover his tracks because BDO credit card paper trail over just a 3 month period when he had the company credit card, including charges for even P95 cups of coffee were left for me to see because all bills were addressed to my home. The lack of decency and the lack of respect for the trust i had given destroyed my faith in my judgment of a man’s moral compass.”

Hindi na nakadalo si Kris sa RAWR Awards 2018 kagabi, kung saan Royal Lion awardee siya, dahil sa systemic viral infection. Gusto sana niyang sina Josh at Bimb ang tumanggap ng award, pero ayaw niyang makahawa ang mga anak.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.