Search
  • BULGAR

Manonood, sawa na raw, pero… DENNIS, ALAM NA HINDI UUBRA SA ANG PROBINSYANO NI COCO MARTIN

Vinia Vivar / FRANKLY SPEAKING

PARA kay Dennis Trillo, perfect timing ang pagsasama nila ngayon ni

Dingdong Dantes sa bagong malaking drama series ng GMA-7, ang Cain at Abel. Nagkasama na sila before sa ilang Kapuso teleserye pero ito talaga ang masasabing full-length at sila lang dalawa ang bida.

“Perfect timing talaga dahil sa tingin ko, kung mas maaga namin itong ginawa, baka hilaw pa kaming pareho. Pero ngayon, marami na kaming pinagdaanan sa buhay at sa mga careers namin, sa mga trabahong natutunan namin sa ibang katrabaho. Ngayon naman, matututo naman kami sa isa’t isa,” pahayag ng Kapuso Drama King nang maka­tsikahan namin sa media launch ng Cain at Abel last Tuesday.

Ayon pa kay Dennis, dream come true para sa kanya ito dahil matagal na niyang gustong makatrabaho ang Kapuso Prime­time King.

“Matagal ko na siyang hinahangaan, idolo, career-wise at sa buhay niya. Kaya nu’ng nalaman ko na makakatrabaho ko siya at ganito ang genre na gagawin namin – action – pareho naming gusto, talagang sabi ko nga, dream come true at maaaring hindi na ito mangyari ulit kaya talagang super thankful,” he said.

Bukod sa career ni Dingdong, aminado si Dennis na gusto niya ring tularan pati ang happy family life ng iniidolong aktor.

“Gusto kong tularan ‘yung career niya, kasi alam ko, talagang pinaghirapan niya ‘yun, kung nasa’n siya ngayon, marami siyang maga­gandang ginagawa, ‘yung mga foundation niya.

“And gusto ko ring magkaroon ng isang super beautiful at magandang pamilya na katulad ng sa kanya.”

Sa tingin ba niya ay kelan mangyayari ‘yun sa kanya?

“Mangyayari ‘yan, malapit na, mala­pit na,” pagri-reveal ni Dennis.

Pero nilinaw niya naman agad na wala pa siyang proposal sa girlfriend na si Jenny­lyn Mercado.

“Wala pa, wala pa. Pero siyempre, maba­balitaan n’yo rin ‘yan ‘pag nangyari.”

Aminado ang aktor na naghahanda na sila sa future ni Jen dahil ngayon nga ay may binuksan silang bagong negosyo, ang online cookie business na sariling recipe mismo ng aktres.

“Siyempre, suportado ko siya sa lahat ng gusto niyang gawin. Natutuwa ako na meron siyang ganu’n dahil hindi naman kami parating artista buong buhay namin. So, natutuwa ako na meron kaming mga ginagawang paghahanda para sa future rin namin.”

When asked kung gaano kasarap ang cookie ni Jen, sagot ni Dennis, “Ang laki ng cookie niya, ganito kalaki! Kasi mabibitin ka ‘pag maliit lang, eh. Sobrang sarap niya kaya siya ginawang malaki.”

Ang nakakatuwa, sobrang dami raw ng orders na minsan ay hindi na nila kayang pagbig­yan lahat.

Siyempre, sa kanya raw unang ipinatikim ni Jen ang cookie nito.

“Ako talaga,” sam­bit niya na ikinaaliw naman ng ibang press.

Samantala, nata­nong din si Dennis kung may pressure ba sa kanya na ang katapat ng Cain at Abel nila ay ang top-rating prime­time serye ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano.

“Matinding pressure talaga. Pero noong umpisa po, hindi naman namin alam kung saang time slot kami ilalagay, so, sa ganu’ng pag-iisip namin, talagang pinilit namin na makapag-produce ng quality na programa na kahit saang time slot pa kami ilagay, kahit ano pang itapat na show, eh, tatayo at lalaban pa rin,” ani Dennis.

Ratings wise, aniya ay hindi naman sila umaasa na tatalunin ang katapat na show.

“Hindi kami umaasa na matatalo namin or anuman. Ang gusto lang namin ay makapag-offer ng magandang prog­rama, alternatibong programa para sa mga manonood na nag-aantay ng mga bagong aabangan sa telebisyon.

“Dahil ngayon, ang dami nang maga­gandang contents sa Netflix, Iflix, mga strea­ming videos, so, gusto namin, maka­panood sila ng ganu’ng quality sa free TV,” he said.

Ang Cain at Abel ang ipapalit sa Vic­tor Magtanggol ni Alden Richards na magtatapos bukas (Nov. 16).

Kasama rin sa Cain at Abel sina Sanya Lopez at Solenn Heussaff bilang mga leading ladies nina Dingdong at Dennis, Eddie Gutierrez, Chanda Romero, Dina Bonnevie, Renz Fer­nandez, Ronnie Henares at marami pang iba.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.