Lalo na kung dehins ninyo ito nagagawa ng regularly, besh! PAGPAPA-CHECK-UP NG MGA NGIPIN, EPEKTIB N
- Donna Thea Topacio
- Nov 15, 2018
- 1 min read

MASAKIT ang ulo at dehins na kinakaya ang pag-inom ng mga pain reliever? Naku, baka ang kailangan mo na, besh, eh, ang magpa-check-up ng mga ngipin? Tsk!
Ayon sa mga eksperto, ang kadalasang nagiging sakit ng mga tao ay ang pagsakit ng ulo. May iba’t ibang dahilan kung bakit sumasakit ang ulo ng tao, puwedeng dahil sa problema sa mata, kulang sa tulog, hangover at marami pang iba.
Gayunman, ang hindi nalalaman ng karamihan, maging ang problema sa kanilang ngipin ay nakapagti-trigger din sa pagsakit ng ulo lalo na at baka nabubulok na ang mga ito.
Samantala, marami pang sakit ang maaaring ma-diagnosed ng pagpapa-check-up ng mga ngipin tulad ng high blood pressure, diabetes at heart disease.
Gayundin, ang manirisms na pagkiskis ng mga ngipin ay maaari ring masolusyunan kung sakaling magpapatingin tayo sa mga dalubhasa at kahit ang paghihilik na may masamang pahiwatig sa ating kalusugan ay maaagapan din natin.
Kaya ang payo ng mga eksperto, importante rin na once a month tayo kung magpa-check-up ng mga ngipin nang sa gayun ay hindi na lumala pa ang sakit natin.
Pero, kung nagwo-worry naman kayo dahil wala kayong budget para rito, why not na mag-ipon dahil para rin naman ito sa kabutihan ng inyong pangangatawan.
Oh, ayan, mga beshy, always go to your dentist regulary, ha?
Copy?





Comments