Search
  • BULGAR

Kung last year, ang aktres ang binitbit sa family niya… ENRIQUE, JOIN SA PAMILYA NI LIZA SA PASKO SA

Melba Llanera / INSIDER

KINUMPIRMA ni Enrique Gil na sa susunod na linggo o dalawang linggo mula ngayon ay sisimulan na ang pelikulang pagtatambalan nilang muli ni Liza Sobe­rano sa ilalim ng Black Sheep Productions.

Patunay lang ito na maaantala nga ang shooting ng Darna gaya ng napabalita at sa susunod na taon na nga ito sisimulan.

Ayon sa aktor, kailangan munang sumailalim sa finger surgery si Liza dahil naaksidente pala ito sa isang eksena sa Bagani. Bukod dito ay may ilang revisions din na ginagawa sa script lalo’t iba na ang direktor.

Excited si Quen sa sisimulang peliku­la nila ni Liza kung saan ipinagmalaki niya sa amin na mas relatable at matured na ang mga karakter na gagampanan nila rito.

At excited din ang aktor sa nalalapit na Kapaskuhan dahil ise-celebrate pala nila ito sa America kasama ang pamilya ni Liza.

Nu’ng nakaraang taon ay sa Paris nag-Pasko sina Enrique at Liza kasama ang pamilya ng aktor. Pero ngayong taon, ang makakasama naman nila ay ang pamilya ng aktres.

Kinumusta namin ang relasyon nila ni Liza kung saan kamakailan ay luma­bas sa social media ang pagse-celebrate nila ng kanilang anniversary. Paliwanag ni Quen, ito ay anibersaryo nila para sa show na Forevermore kung saan nagsimula ang tambalan nila.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.