Kelot tinaga ng kaalitan
Pabs Hernandez III
Nov 15, 2018
1 min read
SOUTH COTABATO—Isang lalaki ang sugatan nang tagain ng kanyang kaalitan, kamakalawa sa Bgy. Proper Ned, Lake Sebu sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Pablito Fermocil, samantalang, ang suspek ay si Romeo Funtillon, kapwa nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sina Fermocil at Funtillon na humantong sa pananaga ng suspek sa biktima.
Ginagamot na sa ospital si Fermocil, samantalang, pinaghahanap na ng pulisya ang suspek.





Comments