Search
  • BULGAR

Calvin, halos sambahin na… "MABAIT 'YAN. BONGGA 'YAN. NAG-IISA 'YAN!” — VICE GANDA

Ador Saluta / ADORE ME!

WALANG pagsidlan ng kaligayahan si Vice Gan­da sa pagiging proud ng Phoenix Fuel Master player na si Calvin Abueva sa estado ng kani­lang pagiging magkaibigan.

Maraming beses ding nag-post ang It’s Showtime host sa kanyang Insta­gram Story na kasama si Calvin.

Noong nakaraang linggo, nanood si Vice ng game ni Calvin sa PBA Gover­nor’s Cup. Kasama ni Vice ang It’s Show­time co-hosts niyang sina Karylle at Ryan Bang.

Natalo ng Meralco Bolts ang koponan ni Calvin na Phoenix Fuel Masters. Sa pagtatapos ng laro, nakita ng mga nasa venue na hinubad ni Calvin ang kanyang jersey at ibinigay kay Vice. Nakunan din ng larawan nang bumeso si Calvin at magyakapan sila ni Vice.

September nang magsimulang ma-link sina Vice at Calvin dahil sa madalas nilang pagtatagpo.

Pero sa hiwalay na interview, nilinaw ng dalawa na magkaibigan lang sila.

Gayunpaman, madalas maging tampulan ng tukso si Vice ng kanyang mga co-hosts sa ABS-CBN noontime show. Base sa hirit ng mga hosts ay malinaw na romantic ang panunukso ng mga ito kina Vice at Calvin.

Kapansin-pansin din na madalas binabago ni Vice ang usapan sa tuwing tutuksuhin siya about Calvin.

Pero sa episode ng It’s Showtime nu’ng Martes (November 14), game na nakipagkulitan si Vice nang asarin siya kay Calvin.

Habang umeere ang episode ay may kausap si Vice sa cellphone at tinukso siya ng mga kasamahang hosts ng noontime show. Ini-loud speaker ni Vice ang cell­phone niya at si Calvin nga ang kausap.

Sa isang bahagi ng It’s Showtime, halos sambahin na ni Vice si Calvin dahil sa mga papuri niya rito, “Nakakatuwa talaga. Mabait ‘yan. Bongga ‘yan. Nag-iisa ‘yan!”

Pero ang paglalarawan niya kay Calvin ay “my friend.”

Sinabi rin ni Vice kung bakit espesyal sa kanya ang basketball player.

“Sa dinami-dami naman ng mga naging kaibigan ko, iba ‘yan. Mabait tala­ga siya. And he’s proud of me that I am his friend. Iba siya,” proud na sabi pa ni Vice.

Hindi rin nakaligtas sa mga mapanu­ring netizens ang dalawang makahulugang tweet ni Vice nitong nakaraang araw.

Hindi nagdetalye si Vice kung tungkol saan ang kanyang tweet. Pero ang tingin ng mga netizens ay reaksiyon ito ni Vice sa episode ng It’s Showtime kung saan pinag-usapan si Calvin.

Unang tweet ng comedian-TV host: “Masarap mala­mang andaming ibang taong masaya para sa kasiyahan mo. at kinikilig din sa bawat kilig mo. lalong nakaka­dagdag ng saya!!! maraming salamat!!!”

Kasunod niyang tweet: “Wag kayong mag-alala. Gagamitin ko tong...sayang to para mas lalo ko pa kayong mapasaya araw-araw. Maraming salamat ulit!”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.