Search
  • BULGAR

Alay sa anak ng mga magulang na hindi magkasundo ni Joboy

What's IN, ka-Bulgar

Isang linggong pag-ibig na dala ng pagkaatat,

maagang naging tayo at nagbago ang lahat.

Ngunit, dahil sa bilis natin at hindi lubos na pagkakilala

ang pagmamahalan natin ay naging salat sa sustansiya.

Sa kabila ng lahat, tayo pa rin ay nagtagal

humantong sa puntong tayo ay ikinasal.

Tatlong anak ang ibinunga, sila’y nag-aral, nagtapos,

ngunit, dahil sa ating sitwasyon, isa sa kanila ay nasakal.

Hindi na niya matiis ang ating away at gulo,

kinukuwestiyon ang pagkasilang niya sa mundo.

Sariling buhay balak na niyang dalhin sa pinakadulo.

Oh, ano na ba ang nangyayari sa ating bunso?

May pananampalataya rin siya, ngunit, salat,

kasinsalat ng dapat sana’y pag-ibig nating tapat.

Masagana nga ang ating buhay, tayo ay pamilyang maykaya.

Ngunit, kulang sa pag-ibig, kaya puso ni bunso’y tuluyang napisat.

Tuparin naman sana natin ang isa pa niyang hiling

na tayo’y magkasundo na’t ipagpatuloy ang pag-ibig na bitin.

Mawalan ng anak ay hindi naman natin gugustuhin,

kaya tayo na at ibigay sa kanya ang kanyang panalangin.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.