- Clyde Mariano
MASUSUBUKAN MGA PINOY SA WORLD POOMSAE SA TAIWAN

MATAPOS ang matagumpay na kampanya sa Asian Games sa Indonesia, muli na naman masusubukan ang galing ng mga Pinoy sa World Poomsae Taekwondo Championship na gagawin sa Nob. 15-18 sa Chinese-Taipei.
Nakatakdang lumipad bukas kasama sina coach Igor Mella at Rani Ortega, tatangkain nina Jerome Dominguez, Roberto Reyes Jr., Dustin Mella, Rina Babanto, Juvenile Faye Crisostomo at Janna Dominique Oliva na muling makapag-uwi nang karangalan at panatilihin ang magandang record ng taekwondo bilang medal producer.
Tatangkain muli ng mga Pinoy ang tanso na nakuha nila sa men’s at women’s sa Asian Games sa torneo tampok ang mga bigating mga kalaban galing sa mahigit 30 mga bansa.
Inamin ni Mella na mabigat ang medal campaign ng mga Pinoy dahil world class ang competition.
“Honesty, our athletes will be on a rough sailing. To win, they have to put up superior performance,” sabi ni Mella, ama ni Dustin.
Ganoon din ang sinabi ni women coach Ortega sa tsansa ng mga Pinay sa taunang torneo na inorganisa ng World Taekwondo Association. “They perform exceptional skills to win because of the toughness of the competition where the best and the brightest in the world are competing,” sabi ni Ortega.