Search
  • Thea Janica Teh

Taralets na sa Quezon City Trade Shows and Exhibit 2018!

HELLO, Bulgarians! Iniimbitahang muli ng Quezon City government ang lahat ng microentrepreneurs, Filipino investors at cooperative organizations kabilang na ang mga group association na makiisa sa Quezon City Trade Shows and Exhibit 2018 na gaganapin sa QC Hall Risen Garden (covered walk) ngayong November 5-16, 2018!

Ipakikita rito ang 3 categories pagdating sa negosyo at ito ay ang environment, processed foods at wearable and house wares. Ito na rin ang malaking oportunidad ng mga katsika nating entrepreneur para makilala ang kanilang mga produkto.

Ipakikita ng mga exhibitor ang kani-kanilang produkto at magkakaroon din ng Business Skills Training ang Department of Trade and Industry (DTI) at Banko Sentral ng Pilipinas (BSP). Ito ay para mas lalo pang ma-enhance ang ka­nilang marketing, financing at entrepreneurial capacity. Ang huling linggo ng exhibit ay pagbi­bigay ng parangal sa mga ka-entrep, best booth, highest sales at most innovative products.

Kaya mga katsika, kitakits tayong muli at sama-sama nating su­portahan at ipagmalaki ang gawang Pinoy!

♥♥♥

Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.