top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Super-laki ng ipinagbago dahil kay LJ… PAOLO, 'DI NA KUNTENTO SA ISA LANG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 13, 2018
  • 1 min read

MALAKI ang naging implu­wensiya ni LJ Reyes sa pagba­bago ni Paolo Contis, lalo na ngayong malapit nang isilang ang kanilang magiging anak.

Kitang-kita ng malalapit na kaibigan nina LJ at Paolo ang pagseseryoso ng aktor sa buhay. Nagka­roon na siya ng direksiyon at medyo nag-mellow at hindi na rin gaanong moody.

Nang ma-in love siya kay LJ ay maraming positibong bagay ang dumapo sa pagkatao ng Kapuso actor.

Dati-rati, okey lang sa kanya ang isang show sa GMA-7, ang Bubble Gang. Ngayon, tumatanggap na siya ng mga pelikula. Kapareha niya si Alessandra de Rossi sa movie na kinunan pa sa Iceland.

Nakatatak na kay Paolo ang pagiging kontrabida. Pero sa Bubble Gang, nahasa naman siya sa pagkokomedi. At mukhang maligaya siya sa relasyon nila ni LJ. Bumait din at naging cool-headed na ang Kapuso actor.

Si LJ Reyes pala ang naging katapat ni Paolo upang magbago.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page