Pusher timbog sa drug-bust
Pabs Hernandez III
Nov 13, 2018
1 min read
BATANGAS CITY—Isang drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Sta. Clara sa lungsod na ito.
Ang suspek ay nakilalang si Rommel Hidalgo, nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Hidalgo na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments