Magnanakaw ng manok tiklo
- Pabs Hernandez III
- Nov 13, 2018
- 1 min read
AKLAN—Isang magnanakaw ng manok ang naaresto ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Tigayon, Kalibo sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Bernie dela Cruz, residente Bgy. Cawayan, Washington sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang limang panabong na manok na ninakaw nito sa isang residente sa naturang barangay.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong qualified theft.





Comments