Karnaper tepok sa shootout
LAGUNA—Isa sa dalawang hindi kilalang karnaper ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya, kamakalawa sa Bgy. San Antonio, Biñan City sa lalawigang ito.
Sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng napatay na karnaper.
Ayon sa ulat, tinangay ng mga suspek ang motorsiklo ng hindi pinangalanang biktima, pero natiyempong may nagpapatrulyang mga awtoridad kaya hinabol ang mga karnaper.
Nabatid na pinagbabaril ng mga suspek ang mga awtoridad kaya gumanti ng putok ang pulisya na naging dahilan para mapatay ang isang karnaper at nakatakas ang kasamahan nito.





Comments