Search
  • BULGAR

ANG LAKAS NG HOTSHOTS ISA NA LANG FINALIST NA!


NAMURO ang Magnolia Hotshots sa pagsampa sa championship round matapos nilang patahimikin ang Barangay Ginebra, 101-97 sa Game 2 sa 2018 Philippine Basketball Association, (PBA) Governors Cup best-of-five semifinals sa Araneta Coliseum kagabi.

Tumikada si import Romeo Travis ng 25 points, 12 rebounds at pitong assists para ilista ang 2-0 karta pabor sa Hotshots habang nag-ambag sina Ian Sangalang at Paul Lee ng tig-17 at 14 puntos ayon sa pagka­kasu­nod.

Bakbakan ang labanan sa unang dalawang periods, hinawakan ng Hotshots ang isang puntos na bentahe, 47-46 sa halftime.

Bahagyang nakalayo ang Pam­ban­sang Manok Magnolia sa third matapos ilista ang 75-68 bentahe.

Samantala, bentahe ang Meralco Bolts laban sa Alaska Aces sa kanilang best-of-five semis ngayong gabi, pero para kay Bolts import Allen Durham gagawin nila ang lahat para makuha ang panalo sa Game 2.

“It is kinda nice to relax a little bit but we don’t want to relax,” ani Durham na pinamunuan ang Bolts sa 97-92 kontra Aces noong Linggo sa Ynares Center, Antipolo City. “It’s been working for us to keep the intensity up and keep playing the way we’ve been playing so we’re gonna keep trying to have that mentality that we’ve been having the past few games,”

Binigyan ni Durham ng sakit sa ulo ang Alaska Aces matapos ilista ang 32 points, 14 rebounds at anim na assists. “He was so awesome and he was so efficient,” ani Alaska coach Alex Compton.

Mainit ang Meralco sa elimination round pa lang, kumadena sila ng pitong sunod na panalo kasama ang pagkaldag sa Phoenix sa quarterfinals.“I think we’re in a groove right now. Everybody’s peaking at the right time, we’re playing well right now so hopefully we just keep going and ride on this streak as long as we can,” hayag ni Durham.

Bukod kay Durham, sasandalan ni coach Norman Black sina Baser Amer, Chris Newsome at Reynel Hugnatan.

Ibabangga naman ng Aces si reinforcement Mike Harris at locals, Chris Banchero at Vic Manuel. (ATD)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.