Search
  • Joy Repol Asis

23 patay sa wildfire

TINATAYANG nasa 23 katao ang nasawi at 200 ang nawawala dahil sa pagpapatuloy ng wildfire sa California.

Halos 20 porsiyento na ang naapula ng mga bumbero sa mahigit 90,000 ektarya na ang natupok ng apoy sa nasabing bansa.

Malakas na hangin ulit ang nagbabadya na maaaring dahilan ng mabilis na pagkalat ng apoy.

Batay sa ulat, karamihan sa nadiskubreng labi ay nasa Paradise town.

Ang mga ito ay na-trap umano sa loob ng sasakyan ngunit, naabutan ng sunog.

Samantala, nasa mahigit 2,400 Pilipino ang naninirahan sa California.

Wala namang ulat na nasawi o nawawalang Pilipino sa gitna ng malawakang sunog.

Nasa 52,000 residente na ang inilikas sa lugar kabilang dito ay ilang kilalang artista sa Hollywood.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.