Notoryus na isnatser timbog
- Pabs Hernandez III
- Nov 12, 2018
- 1 min read
ALBAY—Isang notoryus na isnatser ang nadakip ng mga awtoridad, kamakalawa sa Terminal Road 2, Legazpi City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Marcelo Velasco, residente ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, isang hindi pinangalanang estudyante ang inagawan ng wallet ni Velasco, pero agad nakahingi ng saklolo ang biktima kaya nadakip ng mga awtoridad ang suspek,
Nakapiit na si Velasco at sinampahan na ito ng mga kaukulang kaso.





Comments