- BULGAR
Ngayong nasa Dos na raw mga Kapuso… HIRIT NI GARY V.: REGINE, LALO PANG SISIKAT SA BUONG MUNDO
Vinia Vivar / FRANKLY SPEAKING

ISA si Gary Valenciano sa masasaya ngayong Kapamilya na si Regine Velasquez at makakasama pa niya sa A.S.A.P. every Sunday.
Ayon kay Mr. Pure Energy nang makausap namin sa mall tour ng kanyang album na Awit at Laro held at Cloverleaf Mall last Friday, lagi naman niyang nakakasama ang Asia’s Songbird sa mga concerts, but the thing is, hindi ito puwedeng i-televise dahil nga magkaiba sila ng home network dati.
“Nag-guest ako sa mga concerts ni Regine, but it’s never been televised. Hindi kasi puwede, eh. Pati major concerts ko, siya ang naging guest, pero hindi puwede and we have to respect that.
“Pero now, it’s a different thing. So now, we can experiment, we can record together, and I don’t have to worry because I know, kung magpo-promo ako, at least, kasama ko si Regine, makikita rin siya.
“And I really think that at this point in time, being with ABS-CBN which is seen everywhere in the world, it’s a good vehicle for her para lalo pa siyang makita’t makilala sa buong mundo, hindi lang sa Filipino, pero in the whole world, in general.
“I’m happy that she’s with us. And kung ang mga ideas natin, eh, ganito karami, now, with her in it, parang almost sky’s the limit. ‘Yung mga numbers niya with the new artists, numbers niya with the seasoned artists, numbers niya on her own, it’s gonna be great. I think it’s gonna be great,” pahayag ni Gary.
‘Yung pamba-bash na pinagdaanan ni Regine, ani Gary ay hindi talaga maiiwasang may mga bashers, pero ‘yung mga taong idinadamay na pati ang anak nito na si Nate, iba na raw ‘yun at may mental problem na ang mga ganu’n.
“When I read those kinds of bashing, hindi na normal, eh. There’s something wrong with that person,” aniya.
Pero may mga valid bashers din naman daw na tinatawag na kumbaga ay na-shocked at nasaktan lang sa biglang pag-alis ni Regine sa GMA-7, lalo na ‘yung mga loyal Kapuso nitong fans. Hindi naman daw talaga maiiwasan na may mga ganitong reaksiyon.
Samantala, ang Awit at Laro album ay nagsisilbing grand comeback ni Mr. Pure Energy sa recording scene at pinakamalaking recording niya ever dahil almost 3 years in the making ito.
Ang nasabing album ay naglalaman ng 20 tradisyonal na Pilipinong larong pambata at mga folk songs at hindi lang si Gary ang maririnig dito kundi pati na rin ang iba pa nating artists tulad nina Jona, Yeng Constantino, Janella Salvador, Sam Concepcion, Anne Curtis, Gloc-9, Lea Salonga, TNT Boys, among others.
Ang Awit at Laro ay bahagi rin ng selebrasyon ng ika-35th taon ni Gary sa industriya, pasasalamat sa bagong buhay na ipinagkaloob sa kanya at sa ika-70th taon ng UNICEF sa Pilipinas.