Search
  • Janice Navida

Kulang na lang batuhin ng niyog… AKTOR, MABAIT AT MATULUNGIN KUNO SA MGA CO-STARS, TERROR NAMAN SA M

BLIND ITEM:

NALUNGKOT kami sa nakara­ting sa aming kuwento tungkol sa di­umano’y paglaki na ng ulo ng isang mabait na aktor na hinahanga­an pa naman ng kanyang mga mismong kasamahan sa showbiz industry dahil marami siyang natutulungan.

Isang reliable source na naka­sak­si sa mismong paglabas ng tu­nay na ugali ng aktor ang nagpara­ting sa amin ng kuwento na umak­yat na talaga sa ulo nito ang kan­yang estado ngayon sa showbiz.

Kung sa harap ng camera ay mahiyain, down-to-earth at magalang daw ang aktor, grabe naman kung tratuhin at murahin nito ang mga kasambahay.

Dinig na dinig ng aming source nang sabihan ni Coco ang kanyang mga “maid of cotton” ng… “Ah, ganyan pala ang ginagawa n’yo ‘pag wala ako, ha? Mga palamunin ko lang kayo!”

Ayaw daw nitong nakikitang nagpapahinga ang mga kasambahay gayung wala naman nang gagawin ang mga pobreng maid of cotton.

Nang may lumapit naman daw na mga fans sa sikat na aktor habang may kausap ito, sininghalan ang mga gusto lang namang magpa-picture sa kanya.

Imbiyernang hirit daw ng aktor, “Nakita n’yong may ginagawa ako, ‘di ba?” sabay paalis sa mga ito, kaya ‘yung mga napahiyang fans ay lumayo na lang habang lulugu-lugo.

Hay! Sana nga’y hindi totoo ang kuwentong ito at sana’y hindi matulad ang aktor sa marami nang celebrities na nang sumikat at nagkaroon ng attitude, walang ibang pinuntahan kundi ang pagbagsak at pagkalaos.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.