top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kaya dehins mo na raw kailangang uminom ng sleeping pills, lodi! DEVICE NA NAKATUTULONG SA MAHIMBING

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 11, 2018
  • 2 min read

DEHINS maka­tulog nang maaga dahil distrac­ted sa ibang bagay? Don’t worry dahil may de­vice nang naimbento ang mga eks­perto upang mapabilis ang inyong pagtulog sa gabi. Amazing!

Isang device ang naim­bento para sa mga taong hirap makatulog sa gabi. Ito ang ti­natawag na Dodow kung saan ang device na ito ay nakatutu­long upang tayo ay makatu­log nang mahimbing sa pamamagitan lang ng walong minuto.

Samantala, ang Dodow ay nagpo-project ng asul na ilaw sa kisame kung saan isinasabay ang paghinga ha­bang lumalaki at lumiliit ang repleksiyon ng ilaw nito sa kisame.

Kaya habang tayo ay na­kapokus sa ilaw at sa ating paghinga, mawawala ang aten­siyon natin sa ibang mga bagay at tuluyan na tayong makatutulog sa pamamagi­tan lamang ng walong mi­nuto. Ayon sa mga deve­loper nito, ang pagiging masigla ay nakapag­ba­balanse sa ner­vous sys­tem ng tao at kapag na­katago umano ang corti­sol at nakahinto ang no­radre­nalin, lumalabas ang sleep hor­mones na melato­nin.

Ang melatonin ay hor­mones na tumataas sa gabi at bumababa pagdating ng umaga.

Samantala, ayon sa mga eksperto, ang mga taong ku­lang sa melatonin ay hirap sa pagtulog, pero mayroon na­mang supplements para rito.

Gayundin, kaya mabisa ang Dodow device dahil na­katutulong daw um­ano ang ilaw na nangga­galing dito upang ang isip natin ay ma­tuon sa alpha state sa pa­ma­­ma­gitan ng low frequen­cy brain waves. Ito ang ma­hala­gang hakbang upang ma­kakuha tayo ng ma­him­bing na tulog sa gabi.

Kaya ang payo ng mga eks­perto, huwag kalili­mu­tang maging kalmado nang sa ga­yun ay hindi ma­hira­pan sa pagtulog. Kaya kung ikaw ay na­hihirapang matu­log, beshy, ito na ang solus­yon na ma­tagal mo nang hinihintay. Have a good sleep, mga beshy!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page