top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Proud na sumisikat 'di dahil Aquino siya… SOPHIE, AYAW MAKILALANG KAMAG-ANAK NI KRIS!

  • Nitz Miralles
  • Nov 10, 2018
  • 1 min read

NAKANGITI si Sophie Albert nang sabihing “kontrabida” ang role niya sa Regal Entertainment movie na Recipe for Love at ibig sabihin, tanggap niya na hindi siya ang bida. Nag­pasalamat pa nga si Sophie sa role niya dahil naihanda siya sa papel niya sa Pamilya Roces na bida-kontrabida.

Mahusay si Sophie sa Pamilya Roces kaya ini-expect na lalabas din ang husay niyang umarte sa Recipe for Love.

Sabi naman ni Sophie, kung ano lang ang nasa script at kung ano ang ipinagawa sa kanya ni Direk Joey Reyes, ‘yun lang ang gina­wa niya. Gusto na niyang mapa­nood ang pelikula para malaman kung she did well sa role na Karla.

Kailangan lang ipakilala ni Sophie sa moviegoers na siya si Karla sa pelikula dahil ang tu­matak sa mga tao ay si Amber na karakter niya sa Pamilya Ro­ces. Kahit saan magpunta si Sophie ngayon, “Amber” ang tawag sa kanya.

Samantala, maganda ang sagot ni Sophie kung bakit hin­di niya ipinu-push sa tao na related siya kina Kris Aquino, Mi­kee Cojuangco at former President Noynoy Aquino.

“Ayaw kong isipin ng tao na ginagamit ko sila para magka­pangalan ako. Gusto ko ring makilala on my own at nagpapasalamat ako dahil magagandang projects ang naibibigay sa akin,” pasasalamat ni Sophie.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page