- No Problem
Lalo na ngayong kaliwa’t kanan ang mga party, besh! TIPS KUNG PAANO MAKARE-RECOVER SA HANGOVER NGAY

DAHIL advanced kaming mag-isip, mga lodi, magbibigay na kami ng tips sa inyo kung paano kayo makare-recover sa nalalapit na Holiday Season, lalo na kung kaliwa’t kanang kainan at inuman ang inyong pupuntahan.
1. DRINK MORE WATER. Makatutulong ang pag-inom ng maraming tubig upang ma-flush ang dumi sa inyong digestive system, lalo na kung naparami ang inyong nakain sa mga pinuntahan ninyong party.
2. DRINK SPRITE. Kung ikaw ay may hangover, inirerekomenda ng mga eksperto ang pag-inom nito dahil napabibilis nito ang pag-recover ng katawan mula sa hangover.
3. GO FOR A WALK. Ang pagpapawis ay nakatutulong din sa pagpa-flush ng toxins sa katawan. Kaya kung mabigat ang inyong pakiramdam, mabuting maglakad-lakad upang pagpawisan at ma-boost ang inyong metabolism.
4. EAT PROTEIN. Pagkatapos kumain ng matatamis, maaalat at matatabang pagkain, inirerekomenda ng mga eksperto na kumain ng mga pagkain na mayaman sa protein tulad ng itlog, beans at pag-inom ng gatas.
5. SLEEP. Mas mabilis na makare-recover ang inyong katawan kapag kayo ay natulog sa loob ng mahabang oras dahil nakare-relax ito ng utak at katawan.
Kaya para sa mga sis at bro natin diyang pupunta sa mga party, huwag ninyong kalilimutan ang tips sa inyo upang mabilis kayong maka-recover mula sa holiday hangover. Okie?