Search
  • BULGAR

Lalo na kung puro hate posts at rants na lang ang nababasa mo, besh! TIPS KUNG PAANO MAWAWALA ANG T

WALA ka na bang ibang makita sa social media kundi negatibong posts mula sa iba’t ibang account? Naku, hindi healthy ‘yan, beshy. Narito ang ilang hakbang upang maiwasan mo nang makakita ng mga hindi magagandang posts sa tuwing gagamitin mo ang iyong account.

1. SCAN YOUR FRIEND LIST. Mga bro at sis, dapat ang mga nasa friends list natin ay personal nating kakilala.

2. DON’T HESITATE TO UNFOLLOW/UNFRIEND. Kung hindi mo gusto ang mga ipino-post ng isang tao, huwag kang manghinayang na i-unfriend o i-unfollow siya. Mas maigi nang kakaunti lang ang laman ng iyong friends list kaysa naman toxic.

3. BE AWARE. Tandaan natin na ang social networking sites at ang internet ay isang malaking komunidad kung saan ang bawat post natin ay maaaring makita ng maraming tao. Huwag mo ring kalilimutan na may mga taong gumagawa ng account gamit ang ibang pangalan upang manira o mang-asar lamang sa social media.

4. IGNORE NON-ENSE POSTS AND COMMENTS. Upang maiwasan ang pakikipag-away sa social media, mabuting huwag nang bigyan ng pansin ang mga post at komento na alam mong walang saysay o hindi mo mapakikinabangan. Suriin mong mabuti kung totoo ba ang account na nag-post bago ka magbigay ng komento o opinyon.

5. BE RESPONSIBLE. Maging responsable ka sa lahat ng ipo-post o ise-share gamit ang iyong account. Tandaan na ang anumang i-post mo ay maaaring gamitin laban sa iyo. ‘Ika nga nila, think before you click.

Kaya mga bro at sis, sundin lamang ang mga hakbang na ito upang tuluyan nang mawala ang bad vibes sa iyong timeline.

Copy?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.