- BULGAR
Bayad niya sa TV ads, ibabalik na lang daw, inayawan… SIGAW NI P-DIGONG: ABS-CBN, MANLOLOKO! GOODBY
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

TINAKOT na naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ABS-CBN Network na hindi na raw niya ito pagbibigyan na mag-renew ng kanilang kontrata na matatapos sa darating na 2020.
Sa isang article na inilabas ng Philippine Inquirer nitong Huwebes (November 8), nagbigay-babala raw si President Duterte sa kanyang talumpati sa distribusyon ng lupa para sa mga benepisyaryo ng Agrarian Reform sa Boracay.
Inakusahan niya na hindi ipinapalabas ng ABS-CBN ang kanilang campaign na nabayaran na nu’ng 2016 pa.
Aniya, “Kalakas ng loob… mukhang marami kami, sila Chiz Escudero, tanggap nang tanggap. Niloko ninyo kami, marami, hindi lang ako, kaya kayo hindi ko kayo palusutin.
“‘Yung franchise ninyo, matatapos na, but let me ask you questions first, kasi ako talagang mag-object na ma-renew kayo.”
Sa isang interview pagkatapos ng ceremony, sinabi ni Duterte na ayon sa ABS-CBN ay ibabalik na lang nila ang ibinayad para sa pagpapalabas ng campaign.
Aniya, “They offered to pay and I refused to accept it because it was returned to me… proposed to return the money was too late after the election.
“When you do that to many people, it’s fraud. You’re actually a fraud when you actually received money and you don’t come up with your part in the bargain.”
Dahil dito, hati ang reaksiyon ng mga netizens. Ang ilan ay sang-ayon sa pangulo sa sinabing pagpapasara sa network, pero may mga pumalag din na hindi raw tama ito.
Pero, ang pinakanakaagaw ng pansin namin ay ang pabirong comment ng isang netizen na sinabing kapapasok pa nga lang ni Regine sa Dos, isasara na kaagad ang network.
Wala naman sigurong dalang kamalasan si Regine, dahil nu’ng una ay sa kanya ibinunton ng ilang netizens ang pagbaba ng ratings ng ilang shows ng network.