- Jersey Sanchez
Bar niratrat, 12 dedbol
NAGANAP ang pamamaril sa isang music bar sa Thousan Oaks, California dahilan para masawi ang 12 katao kabilang ang isang pulis.
Ayon sa imbestigasyon, nasa 200 katao ang nasa Borderline Bar and Grill kung saan nagaganap ang university student night.
Natagpuan ding patay sa loob ng pinangyarihan ng insidente ang hindi pa nakikilalang suspek.
Sa ngayon ay hindi pa natutukoy ng awtoridad kung ano ang naging motibo sa nasabing insidente.
Inilarawan ni U.S. President Donald Trump na “terrible” ang pamamaril.
Samantala, pinuri nito ang pulisya sa mabilis na pagresponde.