Wanted na killer tiklo
Pabs Hernandez III
Nov 9, 2018
1 min read
BATANGAS—Isang wanted na killer ang nadakip ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Cuenca sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Jan Atienza, residente ng naturang bayan.
Nabatid na dinakip ng mga awtoridad si Atienza sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder.
Hindi nanlaban si Atienza nang arestuhin ito ng mga awtoridad sa nasabing barangay.





Comments