Search
  • BULGAR

Kampo, tameme sa dahilan, Cesar… DIEGO, NAGLASLAS NG LEEG AT PULSO

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

KUMALAT sa social media nu’ng Miyerkules nang gabi (Nov. 7) na nag­tangkang magpakamatay ang isang young actor na galing sa showbiz family.

Sa isang blind item report na ipi­nost ng TV5 reporter na si Laila Chi­kadora sa kanyang Facebook account nu’ng Nov. 7 nang gabi, aniya, “Young actor of showbiz blood commits sui­cide. Slashes neck and wrists with a Swiss knife [worried emoji]. He is in a hospital somewhere in QC now; conscious.”

Dagdag pa niya, “Please don’t let your inner demons win. I will pray for you.”

Mula sa iba’t ibang sources, kahapon ay pinangalanan na ang young actor na si Diego Loyzaga. Si Diego ay anak ng actor na si Cesar Montano sa aktres na si Teresa Loyzaga.

Ayon sa source ng PEP.ph na mula sa isang TV network, nangyari raw ang insidente nu’ng Martes nang gabi (November 6).

May nakarinig daw kay Diego na may kausap sa telepono at sinabi raw ng aktor sa kausap nito, “Okey pa siya at kaya pa niya.”

Kasunod nito ay ang pagtatangka ng aktor na gilitan ang leeg gamit ang isang Swiff knife.

Dahil sa ginawa ni Diego, agad na tumawag ang mga kasamahan niya sa bahay ng paramedics. Nu’ng dumating na ang rescue, agad daw nitong binigyan ng first aid ang young actor at nang kumalma ay isinugod na sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.

Nagbigay din ng statement ang Star Magic sa PEP.ph. Ang Star Magic ang talent management agency na nangangalaga sa career ni Diego.

Sa pamamagitan ng public relations head ng Star Magic na si Thess Gubi, hindi nito kinumpirma o itinanggi ang insidente, bagkus, ang tanging sinabi lang nito ay, “Diego and family are doing fine. And are requesting for privacy. Thank you.”

Habang isinusulat ang balitang ito, stable na ang kalagayan ni Diego, pero wala pa ring pahayag o paglilinaw na nanggagaling sa kampo ng young actor.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.