top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

JERSY JEWEL, PAMOSTE

Green Lantern
Nov 9, 2018
1 min read

RENDA at LATIGO

UMAATIKABONG bakbakan ang masisilayan nga­yong araw ng karera na gaganapin sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite, may siyam na karera tayo mga tropa at pag-aralan n’yo na agad para makasipat ng magandang dehado.

Tulad ng palagi kong sinasabi, gawin n’yong asin­tahan ang mga tips na ibibi­gay ko at panigurado na may mga angking galing ang ating pipiliin.

Napili ko si SilHouette, (5) sa Race 1 sipat ko na de­hado sina One In A Billion, (11) at Zapima, (6). Panolo si Cinderella King, (7) sa Race 2 habang pamorkas si Iikot Lang, (5).

Mahirap na karera sa Race 3 kaya tatlo ang kukunin ko rito, kunin ko sina Chi NiTa, (4), Hard Work Clas­sic, (13) at Super Guro, (9).

Tingin ko balikatan ang laban nina Artikulo, (3) at magkakamping Courageous, (2) at Radian Talisman, (2A) sa Race 4. Tatluhin ulit natin ang pili sa Race 5 para makasi­gurong makapuntos, Sin Duda, (1), dehadong Ama­zing Day, (7) at Prime Power, (14).

Kursunada ko sa Race 6 sina Surplus Princess, (6), Minotour, (4) at Amazing Cole, (1). Sina Vera Cruz, (2), Fire Crackers, (6) at Apo Ni Rhea, (3) naman ang pili ko sa Race 7. Pamoste ko si Jersy Je­wel, (1) sa Race 8, pili na lang sa forecast kina Hellow Boss, (3) at Primero De Marzo, (6) at sa huling karera ngayong araw ay sina Precious Jewel, (3), Gunga Din, (6) at Plug Ceremony ang kunin natin.

Good Luck mga tropang karerista, gabayan sana kayo sa mga tips natin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page