Driver nilikida ng tandem
NUEVA ECIJA—Isang driver ang pinagbabaril at napatay ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. San Bartolome, San Leonardo sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Jonathan Pasion, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Pasion ang trak kasama ang dalawang pahinante nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima hanggang sa mapatay.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo sa naganap na krimen.





Comments