Search
  • BULGAR

Dito sa aking selda ni : Joboy

What's IN, ka-Bulgar

Dito sa aking selda, ako ngayo’y nananaghoy,

tila ‘di na alam kung ako pa ba’y magpapatuloy?

Dahil kumatok ako sa puso mong sarado,

muli mong isinara sa harap ng mukha ko.

Hindi mo ako binigyan ng pagkakataon

na mapasaya ka sa mahabang panahon.

Ang sabi mo sa akin natuto ka na,

pero parang ang ibig sabihin, “tumigil ka na”!

“Wala kang pag-asa”

“Di ako iibig muli”

“Matibay na ang puso ko”

Dahil diyan ako ay sawi!

Kinukulong ang aking sarili sa selda ng depresyon,

tingin ko sa sarili ko’y walang kuwenta.

Wala nang kuwenta, hindi na maisasalba pa at hindi na muling sasaya dahil ayaw mo na.

Dito sa aking selda

Ako ay nananaghoy

Hindi pa rin alam kung

ako pa ba’y magpapatuloy?

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.