Search
  • BULGAR

'Di kinaya ni Alden, tsugi! DINGDONG AT DENNIS NAMAN VS. COCO!

Ador Saluta / ADORE ME!

Inanunsiyo na ng Kapuso Network na hanggang November 16 (Biyer­nes) na lang ang Victor Mag­tanggol ni Alden Richards. Ang tele-fantasyang ito ni Alden ang ipinan­tapat sa Ang Probinsyano ng Kapamil­ya Primetime King na si Coco Martin.

Nagsimulang umere ang Victor Magtanggol nito lang July 30, 2018 kaya’t halos tatlong buwan lang ang itinagal nito sa ere, samantalang ang FPJ’s AP ni Coco ay kasalukuyang nagsese­lebreyt ng kanilang ika-3 taon sa pagbibigay-action sa ere.

Buwelta naman ng Kapuso, kaabang-abang ang finale week ng VM dahil bukod sa pasabog na maaksiyong ek­sena, masasagot na rin ang mga tanong sa kuwento gaya ng malalaman na ba ni Loki (John Estrada) na si Hammerman ay si Victor Magtanggol?

Nilinaw naman ng production staff ng VM series na hindi ito na-cut short o tumiklop sa katapat na serye ni Coco.

Nasunod daw ang intended run nito, hindi lang na-extend ng another season.

Anyway, nasabi ni Alden sa isang pa­nayam na sobrang fulfilled siya sa Victor Magtanggol dahil nagawa niya rito ang lahat ng hindi pa niya naga­wa sa mga nakaraan niyang teleserye.

Ang dami kasing action stunts dito na siya mismo ang gumawa.

Aniya, “‘Yun po ang nakakadagdag sa achievements sa Victor Magtanggol, eh. Hindi lang ‘yung bilang aktor.

“At least po, ang dami ko pong naga­gawa rito na hindi ko po dati nagagawa sa ibang soap.

“Espesyal po ito, kasi action, plus talagang... Normally po, tinatanong ko si Direk Dom [Dominic Zapata], saka ang EP ko po, si Ms. Mona, na kung pu­wede, ako na po ang gagawa ng stunts.

“Kung puwede, as much as kaya. So, as much as possible po, ako po lahat.”

Ang isa pang na-treasure nila nang husto ay ang magandang samahan nila sa set.

Hindi raw nila ininda ang magdama­gang taping dahil masaya silang lahat.

Saad ni Alden, “Ito po ‘yung set na parang gigising ka nang maaga, magte-taping ka nang alas-sais, alas-siyete, pero nilu-look forward ko ‘yung set, na parang looking forward ka na pumasok na at makikita mo ulit ‘yung mga tao na you share the same fire and the passion po to execute great material.

“‘Yun po ang motivation ko lagi. Hindi na po ‘yung pagod nu’ng last tap­ing. Hindi na po ‘yung puyat, ‘yung mga katrabaho mo.

“Kasi, iba po ‘yung energy dito sa set, eh,” pahayag pa ni Alden.

Balitang ang seryeng Cain at Abel na pagbibidahan ng Kapuso prime actors na sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo ang ipantatapat sa Ang Probin­syano ni Coco.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.