Search
  • Eddie M. Paez Jr.

BAKBAKANG TORRE-GARMA SA NEXT ROUND NG ASIAN SRS. CHESS


NAPIGILAN ang pag-alagwa ng 67-anyos na si Grandmaster Eugene Torre ng Pilipinas nang hatakin siya sa hatian ng puntos ng ka­ba­bayang International Master na si Petronio Roca sa ka­nilang duwelo sa ikaapat na round ng 2018 Asian Seniors Chess Champion­ships sa Tagaytay.

Dahil sa draw, mula sa pagiging solo lider, naobli­gang makisosyo ni Torre (Rating: 2449), pinakaunang Grandmaster ng Asya at nagtatanggol na kampeon sa torneo, sa liderato kasama nina IM Chito Garma, 54-anyos at may rating na 2317, at untitled Cesar Caturla (Rating: 2240) sa kartadang 3.5 puntos.

Nakabuntot kina Torre (topseed) sina Garma (4th ranked) at Cartula (no.7 sa mga paborito) sa naipong iskor na 3.0 puntos sina Roca, Indonesian FIDE Mas­ter Syarif Mahmud, FM Adrian Pacis at si Myanmar gem Than Khin sa paligsahang umakit din ng mga kinata­wan mula sa Malaysia, Iran, New Zealand, Khazakstan at Australia.

Bakbakang Torre-Gar­ma ang masasaksihan sa topboard ng round 5 habang sina Caturla at Mahmud ang magsasalpukan sa Board 2.

Pitong chessers na may pag-asa pa rin sa korona dahil sa taglay nilang 2.5 puntos sina IM Angelo Young, Austra­lian CM Tony Davis, pam­bato ng Khazakstan na si Kuanishbek Jumadul­layeb, Carlo Lorena, Roizon Roul­lo, Stewart Manaog at Kha­zak Oleg Rinas.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.