- BULGAR
Para sa mga beshy natin diyang mahilig magsuot ng alahas, read n‘yo ‘to, dali! PAGSUSUOT NG HIKAW, K
Donna Thea Topacio / Gulat ka 'noh?!

MAY mga babae talagang mahilig magsuot ng hikaw at mayroon din namang hindi. Pero, knows ba ninyong ang pagsusuot nito ay hindi lang daw simpleng fashion at accessories sa katawan?
Noong panahon ng mga Instik, ang hikaw umano ay ginawa para sa health purposes at hindi para sa fashion at gawing accessories.
Ayon sa mga dalubhasa, ang tainga ay mayroong acu-point stimulation kaya ang bawat butas at hikaw na inilalagay natin dito ay mayroong naidudulot sa ating kalusugan.
Gayunman, sa pag-aaral noong 470 B.C., ang pagsusuot ng hikaw ay remedy umano para sa menstrual problems ng mga kababaihan kung saan isinulat ni Galen, isang siyentipiko, ang iba’t ibang layunin ng bawat hikaw.
Ang silver ay para sa dagdag na enerhiya, ang ruby ay para ma-regulate ang menstruation at ma-enhance ang fertility ng babae, ang emerald ay para ma-prevent ang miscarriage habang ang citrine ay para maka-boost ng sexual energy.
Bukod pa rito, maging ang iba pang mga piercing tulad ng paglalagay sa belly button, dila, cartilage at marami pang iba ay may naidudulot ding mabuti sa ating pagkatao.
Pero ang payo ng mga eksperto, huwag daw umanong maglalagay ng alcohol sa tainga kung gusto itong linisin, ang mas mainam daw na ipanlinis dito ay agua oxinada o kaya ay tea tree oil.
Kaya para sa mga beshy natin diyang mahihilig magpabutas ng tainga, alam niyo na, ha?
Hindi naman masamang magpabutas at maglagay ng hikaw, basta be sure na safe ito mula sa iba’t ibang klase ng bakterya.
Okay?